PIRMADO NA | Implementing rules and regulations ng free higher education law, nilagdaan na

Manila, Philippines – Pormal nang pinirmahan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa P40-bilyong piso budget na ibinigay ng pamahalaan, nasa P16-bilyong piso ang ilalaan para sa State Universities at Colleges (SUC) gayundin sa mga Local Universities and Colleges (LUC).

Pero sa buong bilang ng mga SUC at LUC, 78 lang dito ang makatatanggap ng subsidyo para sa libreng matrikula ng mga mag-aaral nito.


Ayon kay CHED OIC Prospero De Vera, hindi napabilang sa listahan ang 31 na LUC dahil ang ilan sa kanila ay hindi nakapagpasa ng rekisito sa komisyon.

Tuloy pa naman daw ang kanilang evaluation para mas marami pang mga LUC ang makinabang sa susunod na taon.

Facebook Comments