5th Pakaradjaan festival celebration ng ARMM Umarangkada na

Umarangkada na kahapon ang 5th Pakaradjaan festival celebration ng ARMM kung saan sa umano ay nagkaroon ng kick-off ceremony sa limang probinsya na pinangunahan ng kani-kanilang sultan o Chieftain. Kinahapuan ay sa loob na nang Regional Government compound idinaos ang programa na pinangunahan ni ARMM Regional Governor Mujiv Hataman, na nagparade mula sa loob ng ORG palabas ng Governor Gutierez avenue na sinundan kaagad ng Opening program. Sinabi ni Governor Hataman na special ang Pakaradjaan festival ngayon dahil siyam na buwan na punong-puno ng aktibidad, palabas at kasiyahan.Mula March 26 hanggang December 19 ang pagdiriwang. Posibleng ito na umano ang huling celebration ng Pakaradjaan Festival ng ARMM.Ayon kay Governor Hataman, buo ang kanyang tiwala na maipasa ang Bangsamoro Basic Law na siyang papalit sa kasalukuyang ARMM.Kayat special ang celebrasyon nila sa Pakaradjaan ngayon taon na siyam na buwang punong-puno ng kasiyahan.

Facebook Comments