Manila, Philippines – Nilagdaan na kahapon sa Palasyo ng Malacañang ang kautusan sa pagitan ng Pilipinas at Ratio Petroleum para magkaroon ng oil exploration dito sa bansa.
Ito ang isa sa mga dinaluhang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ito ay bumisita sa Israel ilang isang buwan na ang nakalilipas.
Batay sa impormasyong inilabas ng Malacañang ay nilagdaan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang Petroleum Service Contract para sa East Palawan Basin ng 5th Philippine Energy Contracting Round kasama ang President and CEO ng Ratio Petroleum Limited na si Itay Raphael Tabibzada.
Inihayag naman ng Malacañang na ang paglagda sa oil exploration deal ay magpapalawig pa sa mas magandang economic relations ng Pilipinas at Israel.
Facebook Comments