PIRMADO NA | Pangulong Duterte, nilagdaan ang executive order na mag-aapruba sa anim na taong development plan para sa Micro, Small and Medium Enterprises

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na mag-aapruba sa anim na taong development plan ng Micro, Smal, at Medium Enterprises o MSMES.

Ito ay batay sa inilabas na kopya Malacañang na executive order no. 50 na MSME development plan 2017-2022.

Ang naturang plano ay inihanda ng Department of Trade and Industry (DTI).


Nakapaloob pa sa EO na dapat ring i-adopt at ipatupad ang plano ng mga concerned government agencies kabilang ang government-owned o controlled corporations at Local Government Units (LGU).

Magsisilbi rin itong blueprint para sa integration at collaboration ng pamahalaan at pribadong sektor ng MSME development.

Facebook Comments