PLUNDER | Dalawang dating commissioners ng Bureau of Immigration, ikinulong na sa Camp Bagong Diwa

Manila, Philippines – Nakaditene na sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sina dating Bureau of Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Ito ay matapos ipag-utos ng sandiganbayan 6th division ang pagpapakulong sa kanila dahil sa kasong plunder na non-bailable offense.

Kasama rin sa ipinapaaresto para sa kasong plunder ang umano ay middleman na si Wenceslao Sombero Jr.


Naglabas din ng arrest warrant ang korte para kasong paglabag sa PD 46 ang Macau-based Tycoon Jack Lam na may inirekomendang piyansa na P10,000.

Sina Argosino at Robles ay ikakusahan nang pangingikil ng P50 million kay Lam noong November 27, 2016 kapalit ng kalayaan ng 1,316 Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa ng walang visa.

Bamagan isinuli ng dalawa ang sinasabing bribe money, kulang ito ng P1,000.

Facebook Comments