PISON NA NAKAPARADA SA BINALONAN, KINARNAP

35

Binalonan, Pangasinan – Hindi pinalampas ng kawatan ang isang nakaparadang pison sa bayan ng Binalonan, Pangasinan matapos itong tangayin.

Inereklamo sa pulisya ng mismong heavy equipment driver na si Jonathan Cruz, kuwarentay siyete anyos at residente ng Barangay Caranglaan, Dagupan City, matapos umanong tangayin ng mga magnanakaw ang nakaparadang pison sa Brgy. Linmansangan, bayan ng Binalonan.


Nabigla na lamang umano ito nang magising siya at matuklasang wala na ang pison na pag mamay-ari ng isang Engr. Andres Nicer ng Brgy Sto Nino, Binalonan.

Huli niya itong ginamit noong araw ng Sabado at maayos na ipinarada sa gilid ng kalsada ngunit pasado alas otso ng linggo nang ito ay nawala.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis sa maaaring pagkakakilanlan ng tumangay dito.

Facebook Comments