Pagdating ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor, maaantala

51

Maaantala ng ilang linggo ang pagdating ng unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na binili ng mga pribadong sektor.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Conception, naurong sa Hulyo 14 ang pagdating ng 1.17 million doses ng AstraZeneca vaccines mula sa huling linggo ng Hunyo.


Aniya, ang mga ganitong pangyayari ay hindi talaga makokontrol.

Tiniyak naman ni Concepcion na darating sa Agosto ang second batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines para sa pribadong sektor.

Facebook Comments