Pista ng pelikulang pilipino, magsisimula na sa August 16

Sa August 16 na magsisimula ang pista ng pelikulang pilipino na inilunsad ng Film Development Council of the Philippines.

Dahil dito, sinuportahan ng Globe Telecom ang nasabing event kung saan tutulong sila na palakasin ang industriya ng Pelikulang Pilipino na labanan ang piracy at tulungan ang mga film producers na mapalago pa ang kanilang negosyo.

Sa pamamagitan ng #playitright, dito hinihimok ang publiko na manood lamang sa mga legitimate sources para tuluyang wakasan ang pamimirata at maari din maka-discount ng tiket sa pamamgitan ng pag-book via g-movies app na maaring ma-donwload sa google play at app store.


Ilan naman sa mapapanood sa pista ng Pelikulang Pilipino ay ang *Awol*, Triptiko, *100 tula Para kay Stella*, Patay na si Hesus, *Ang Manananggal sa Unit 23-B*, Birdshot, *Ar­tista na si Van Damme*, Bar Boys, *Pauwi na*, Hamog, *Paglipay* at Salvage.

Facebook Comments