Aljur Abrenica, mapapanood na sa teleserye ng Kapamilya Network na “Ang Probinsiyano”

Showbiz – Trending ngayon sa social media ang lumabas na larawan ni Aljur Abrenica na topless at nakasakay sa isang kabayo. Kuha ito mula sa shooting ng ‘Ang Probinsyano’, na siyang bago at unang palabas ng aktor sa Kapamilya Network.

Sa thanksgiving press conference ng FPJ’s Ang Probinsyano kagabi, sinabi ng aktor na ang kanyang bagong manager na si Jon Ilagan ang nakipagkasundo sa management ng ABSCBN.

Ayon naman sa bida ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin, siya ang personal na nag-request sa management na isama sa primetime series ang aktor matapos malaman na natapos na ang kontrata nito sa GMA noong March 2017.


Pigil naman sa pagbunyag ang aktor sa magiging role niya sa ‘Ang Probinsyano’ kung saan itinuturing niya itong blessing in disguise para sa kaniyang sariling pamilya.

Mapapanood ang FPJ’s ang probinsyano sa primetime bida ng Kapamilya Network.

Facebook Comments