Tondo, Manila – Kaugnay ng nalalapit na pista ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila irerekomenda ng Manila Disaster Risk Reduction And Management Council (MDRRMC) sa Manila Police District na magpatupad ng area gun ban sa lugar.
Ayon kay MDRRMC Director Johnny Yu, hihilingin niyang ipatupad ang area gun ban sa January 20 at 21.
Aminado naman si Yu na mahirap ipatupad sa Tondo ang liquor ban kaya nanawagan na lang sila sa mga deboto ng Sto. Niño na huwag nang sumama sa prusisyon kung nakainom.
Tinatayang nasa dalawampu hanggang tatlumpung libong mga deboto ang sumasama sa prusisyon na sinasabayan ng sayaw at banda ng musiko.
Pinaplantsa na rin ng MPD at ng simbahan ng Tondo ang mga paghahanda para sa kapistahan ng Sto. Niño.
Facebook Comments