PISTA NG STO. NIÑO, IPINAGDIWANG DIN SA MGA SIMBAHAN SA PANGASINAN

Bilang paggunita sa kapistahan ng Sto. Niño nakiisa din ang iba’t ibang mga simbahan sa lalawigan ng Pangasinan.
Buhay na buhay ngayon ang diwa ng kapistahan ng Sto. Niño sa lahat ng mga simbahan dahil sa muling pagbabalik at pagbubukas ng iba’t ibang mga aktibidades na kaugnay sa selebrasyon ng Santo matapos ang halos dalawang taong pagkakaantala ng selebrasyon dahil sa pandemyang COVID-19.
Ang Santo Niño ay representasyon ng pagiging ganap nating mga kristiyano sa pagkilala at pagbibigay respeto sa imahen ng banal na sanggol na si Hesukristo.

Ang batang Sto. Niño rin ang pangunahing patron ng Cebu kung saan inisilebra ang Sinulog Festival na siyang kanilang pangunahing selebrasyon bilang pagpapahalaga at pagbibigay respeto sa imahen ng Santo.
Isinagawa rin ang pagbabasbas sa mga bata dahil ayon sa mga homilia sa misa ang mga bata ay parang Sto. Niño kung saan nasa mga ito Ang presensya ng Panginoon.
Bukod sa pagbabasbas, isinagawa rin ang iba’t ibang aktibidad gaya na lamang ng prusisyon, misa, festivals at marami pang iba bilang bahagi ng tradisyon at kaugalian ng simbahang katolika at ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto. Nino o Divine Child na kinikilalang patron saint ng mga bata.
Viva Pit Senyor! |ifmnews
Facebook Comments