PISTAY DAYAT | Narito ang ilan sa mga Kaabang-abang na Kaganapan!

Ilang linggo bago ang pinakahihintay na selebrasyon ng taunang Pista’y Dayat na organisado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pangunguna ni Hon. Amado “Pogi” Espino III ay nagpapaanyaya na ang mga ito sa publiko upang saksihan ang mga kaganapan isasagawa para rito.

Ilan sa mga kaganapang dapat paka-abangan ay ang pre-pageant night ng dalawampu’t tatlong (23) kandidata para sa Limgas na Pangasinan 2018 na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan at siyudad ng Pangasinan na magaganap ngayong Biyernes, April 20, 2018, alas otso ng gabi sa Sison Auditorium, Lingayen.

Kasabay nito ay ang pormal na paglulunsad at pagbubukas ng ika-11 na Pangasinan Tourism and Trade Expo 2018 na magtatapos sa May 13. Dito ay pwedeng-pwedeng mamasyal, magfood-trip, mamili, at mag-enjoy ang bawat Pangasinense.


Bukod sa imbitasyon, isang paanyaya na nagsasabing ating tangkilikin ang O.T.O.P. o ang One Town, One Product ng bawat bayan ang ipinarating ng Pangasinan Provincial Office sa pamamagitan ng kanilang official facebook page, mga anunsyo sa Capitol grounds, at mga creative costumes na irarampa ng bawat kandidato para Limgas na Pangasinan 2018.

Inaasahan ng Pangasinan Tourism Office na dadagsain o dudumugin ng mga Pangasinense ang Lingayen upang makidiwang o maki-selebra sa Pista’y Dayat 2018.

Ulat ni Melody Dawn C. Valenton

Facebook Comments