Kura paruko sa isang bayan sa Isla ng Bantayan, idinepensa ng simbahan dahil sa ginawang rally

Manila, Philippines – Idinepensa ni Cebu Archbishop Jose Palma ang
kura-paruko sa bayan ng Sta. Fe sa isla ng Bantayan dahil sa iringan nito
sa pagitan ng mayor sa nasabing lugar

Pinamunuan ni padre Roy Bucag ang isang prayer rally noong Sabado ng
madaling araw upang tutulan ang idadaos ng Sta. Fe Municipal Government na
“Isla Music Festival” sa panahon ng Semana Santa sa susunod na Linggo.

Tutol ang Simbahang Katoliko sa pagdaos ng nasabing aktibidad sa paniniwala
na ito ay makakadisturbo sa mga namamanata at nagpapenetensiya sa mga
panahong ito.


Kaugnay nito ay nais na hingan ng paliwanag ni Sta. Fe Mayor Jose Esgana
si father Bucag dahil sa pagsagawa ng rally na walang permit mula sa
kaniyang tanggapan at iba pang posibling nalabag nito na batas sa idinaos
na rally aktibidad.

Facebook Comments