Pito ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang establisyimento sa Sampaloc, Maynila

Sa interview ng DZXL RMN Manila kay Manila Police District Station 4 Staff Sergeant Aaron Cortez, sinabi niyang batay sa inisyal na report, sumingaw na LPG ang dahilan ng nasabing pagsabog.

 

Nadamay naman sa pagsabog ang mga kalapit na establisyimento at anim na iba pang sasakyan gayun din ang Mary Chiles Hospital.

 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng tauhan ng explosive and ordinance division ng Manila Police District.


Facebook Comments