Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa puregold Balintawak, Quezon City

Ayon sa La Loma Police, kinilala ang biktimang si Hanson Maranan, 44-anyos.

 

Sa report, nakatayo lamang ang biktima sa harapan ng kanyang tindahan ng mga sibuyas at saging nang pagbabarilin ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

 

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala.


 

Sa ngayon, titingnan ng mga otoridad ang cctv sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments