Pito, arestado sa ikinasang buy bust operation sa Malate, Maynila

Manila, Philippines – Natimbog ang pitong drug suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malate Maynila kagabi.

Sa loob ng bahay sa San Marcelino St. nabilhan ng apatnalibong pisong halagang shabu ang mga target na sina Ramonsito Dale Garcia at Benjie Catalo.

Naabutan pa sa bahay ang asawa ni Benjie na si Marie at kinakasama ni Garcia na si Gemmanlyn Grafil.


Nakuha sa kanila ang labing-isang sachet ng hinihinalang shabu na nasa 50 gramo ang timbang at may street value na P80,000.

Nakuha sa pang-iingat ni Catalo ang kalibre .45 na kargado ng walong bala.

Ikinasa ang isa pang buy-bust operation sa A. Mabini St. kung saan naaresto sina Ramon Dumdum, Ramon Gluta at Joselito Camacho.
Narekober sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nasa 25 gramo ang timbang at may street value na P40,000.

May drug money pa nakuha na aabot sa P10,000.

Ayon kay Police Sr. Inspector Dave Garcia, hepe ng Malate Police Station Drug Enforcement Team, kabilang sa drugs watch list ang mga suspek.

Bukod aniya sa Malate ay nagbebenta din ang mga suspek ng shabu sa Sta. Mesa, Ermita hanggang Taguig.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang may karagdagang kaso si Catalo na illegal possession of firearms.

DZXL558

Facebook Comments