Pito, arestado sa ilegal na sabong sa Pasay City

80

Arestado ang 7 kalalakihan matapos magsagawa ng iligal na sabong sa may bakanteng lote sa bahagi ng Cuyegking Street, Brgy. 4, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Henderson Sotello, Ames Ailes, Antonieto Abaño, Jerry Alfonso, Reymund Pagtakhan, Jose Portado at Chito Pabuenas.


Nabatid na natiyempuhan ang pito ng mga nagpapatrolyang mga pulis kung saan hindi na sila nakatakbo pa.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga manok na panabong at perang pampusta na aabot sa P8,400.

Bukod sa kasong iligal na pagsusugal, nahaharap din sila sa paglabag sa ordinance no. 6121 o ang mahigpit na pagpapatupad ng Social/Physical Distancing.

Facebook Comments