Pito, arestado sa Taguig City

Manila, Philippines – Kalaboso ang pitong drug suspects sa isinagawang Oplan Sita sa lungsod ng Taguig.
 
Kinilala ni PO3 Carding Unding ang mga naaresto na sina Cristia Bitara, Haron Maun Na Guiamad, Jerry Opimo, Palawan Amama, Jun Bagon, Analyn dela Peña, at Jomar Bertolazo.
 
Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba  ng Taguig Police PCP 2 sa Cagayan de oro Quiapo St, Maharlika village nang mamataan sila  sa aktong bumabatak ng shabu kaya’t inaresto ng mga pulis.
 
Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang granada, at mga drug paraphernalia.
 
Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga suspek.


Facebook Comments