Isang 64 anyos, patay matapos pagbabarilin sa Pasay

Manila, Philippines – Patay ang 64 anyos na si William San Jose ang matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa lungsod ng Pasay.
 
Sa imbestigasyon, naglalakad si San Jose kasama ang kanyang pitong taong gulang na apo sa Arnaiz Avenue Decena Street, Barangay 94, ng sumulppt ang nakamotorsiklong suspek at pinagbabaril na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
 
tinutugis pa rin ang hindi pa nakikilalang mga salarin.
 
Dalawang piraso ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre na baril ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.
 
Wala pa ring nasisilip na motibo ang mga otoridad sa nasabing pamamaslang.


Facebook Comments