Pito katao, arestado sa Maynila dahil sa pag-imprenta ng pekeng DTI-IATF ID

Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang pito katao sa aktong paggawa ng pekeng identification cards ng Department of Trade and Industry – Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (DTI-IATF) sa C.M. Recto Avenue in Sampaloc, Manila.

Kabilang sa mga inaresto ang 32 anyos na si Johnny Perez, computer artist.

Ilang impormante ang nagreport sa pulisya hinggil sa iligal na gawain ng grupo ni Perez.


Nabawi rin mula sa grupo ang mga kagamitan sa paggawa ng pekeng ID.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents in Relation to ‘Bayanihan to Heal As One Act’

Facebook Comments