Pito katao sugatan sa karambola ng 4 na motorsiklo sa bayan ng Pikit North Cotabato

Sugatan ang (7) pito kataong sakay ng motorsiklo matapos mag kaengkwentro sa provincial road ng barangay Ginatilan, sa bayan ng 9Pikit, Cotabato. Alas 2:15 ng hapon kanina.
Kinilala ang mga sugatan sa naturang vehicular accident na sina (1). Fahad Abubacar 17 anyos, (2). Jaime Abdulkarim 18 anyos, kapwa residente ng barangay Manaulanan, Pikit. (3). Mailem Maliga 38 anyos, may asawa at residente ng barangay Punol, Pikit. Ang tatlo ay nailipat agad sa mas malaking bahay pagamutan dahil sa tinamong mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan. Ang apat pang sugatan ay patuloy na ginagamot sa ospital sa bayan ng Pikit. Kinilala ang mga ito na sina (1). Suharto Abdulkarim 17 anyos, walang asawa, driver ng isang habal-habal, residente ng barangay Manaulanan, Pikit. (2). Jehad Abdulkarim 23 anyos, may asawa, pasahero residente ng barangay Manaulanan, Pikit.(3). Saddam Mamako 24 anyos, driver , residente ng barangay Paidu-Pulangi, Pikit. (4). Jehad Mato 16 anyos, walang asawa residente ng barangay Manaulanan, Pikit, Cotabato.
Ayon kay Saddam Mamako isa sa mga driver ng kulay itim na Bajaj motorcycle . Malakas umano ang buhos ng ulan at madulas ang kalsada at hindi niya inakala na pareho silang nadulas ng kasalubong na motorsiklo . Nabangga rin sila ng isa pang motor na bajaj upang mapuruan ang mga sakay ng dalawang nag-ka engkwentrong motorsiklo
Ayon naman sa pahayag ng isang barangay opisyal kasalukuyan nasa Kidapawan City Specialist si Mailem Maliga, at patuloy na ginagamot habang ang dalawa na sina Jaime at Fahad ay nailipat sa CRMC sa Cotabato City. (Jesy Ali)



Facebook Comments