Sa Maguindanao, Pito katao ang sugatan matapos na hagisan ng granada ang isang payong-payong na motorsiklo noong Sabado pasado alas siyete ng umaga sa bahagi ng Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.
Ang pito ay nagtamo ng mga shrapnel wounds sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan,na kaagad na isinugod sa Sanitarium hospital sa Pinaring ang limang sugatan habang ang dalawa ay dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Ayon sa paunang inbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP sa pangunguna ni Police Major Julhamin Asdani, pababa na umano sa Payong-Payong ang mga biktima ng hagisan ng granada ng dalawang suspect na sakay ng single motorcycle na minamaneho ni Sadam Kakabuat.
Matapos ang panghahagis ay mabilis namang tumakas ang mga suspect.Sa ngayon ay patuloy naman ang pagsisiyasat ng kapulisan sa insedente.