Pito patay sa drug operation sa Matalam North Cotabato

Pito katao ang patay sa inilunsad na search warrant operation sa Sito Biao ,Barangay Kilada sa bayan ng Matalam North Cotabato kaninang madaling araw.
Nanguna sa operasyon ang Cotabato Police Mobile Force ng CPPO , 7IB , 6ID ng Phil-Army at Matalam PNP bitbit ang search warrant na inisyu ni Hon. Judge Alandrex Betoya ng RTC Branch 16 laban sa dalawang target na kinilalang sina Kadting Kasan at Intan Aban na may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa naging pahayag ni Police Supt Bernard Tayong tagapagsalita ng CPPO habang paparating ang raiding team subalit silay natunugan ng mga kasamahan ng dalawang suspek kaya dito na nanlaban ang mga suspect at nakipagpalitan ng putok sa pwersa ng pamahalaan na tumagal ng isang oras.
Nadala pa sa pagamutan ang pitong mga suspect subalit silay idineklarang dead on arrival ng mga doctor .
Nakuha sa crime scene ang mga high powered firearms tulad ng homemade 50 cal.snifer riffle ,RPG at mga bala.

Facebook Comments