THANKFUL | Michael de Mesa, Hepatitis-C free na

Manila, Philippines – Ibinahagi ng beteranong actor na si Michael de Mesa ang tuluyan niyang paggaling sa sakit na Hepatitis-C.

Ipinost pa ng 58-anyos na aktor sa kaniyang instagram account ang larawan ng kaniyang medical laboratory test na ligtas na at gumaling na siya sa Hepatitis-C.

Unang nalaman ng aktor na wala na ang virus noong Disyembre pero muli itong sumailalim sa pangalawang pagsusuri para makasigurado.


Pinasalamatan naman ni Michael ang may kapal dahil sa paggaling nito.

Taong 1999 ng ma-diagnosed ito ng Hepatitis-C at sa loob ng 20 taon ay hindi ito tumigil na maghanap ng gamot.

Facebook Comments