MANILA – Pito sa sampung botante ang naniniwala na nakakatulong ang mga political advertisements sa pagpili ng kanilang ibobotong kandidato.Sa Bilang Pilipino Social Weather Stations (SWS) Mobile Survey, lumalabas na 67 percent ng mga botante ang nagsasabi na naapektuhan sila ng mga political ads habang 16 percent naman ang kumontra dito.Sa mga pumabor sa pol ads, 38 percent ang nagsabi na iboboto nila bilang pangulo si Senadora Grace Poe; 26 percent ang pumabor kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte; 19 percent ang boboto kay Liberal Party Bet Mar Roxas; 16 percent ang susuporta kay Vice President Jejomar Binay; at 1 percent ang boboto kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.Isinagawa ang naturang mobile survey sa 1, 200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pito Sa Sampung Botante, Bumabase Sa Mga Political Advertisement Sa Pagpili Ng Ibobotong Kandidato
Facebook Comments