Aabot sa pitong indibidwal ang sugatan sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office.
Lima sa nasabing bilang ay pawang mga bumbero kung saan dalawa ang nahirapan sa paghinga dahil sa kapal ng usok.
Isa ang nagkaroon mg allergic reaction, isa rin ang nagtamo ng paso sa kamay habang isa ang nadulas at sumakit ang likuran.
Bukod dito, isang fire volunteer ang nasugatan sa kaliwang kamay at isang sibilyan na 16 anyos na dalaga ang posibleng nabalian.
Nasa maayos naman ng kondisyon ang mga nasugatan dahil sa insidente.
Nagsimula ang sunog ng alas-11:41 kagabi at itinaas ng general alarm ng alas-5:54 ng umaga.
Alas-7:22 naman nang ideklarang fire under control kung saan hanggang sa ngayon ay nananatili ito sa ganoong sitwasyon.
Facebook Comments