12 NPA, nasukol ng militar sa Negros

Nasukol ng mga tropa ng Visayas Command ang 12 miyembro ng NPA sa Negros Island nitong nakalipas na Sabado at Linggo.

10 sa mga ito ang nasawi, isa ang naaresto at isa ang sumuko sa sa magkakahiwalay na engkwentro.

Naganap ang pinakahuling engkwentro kahapon kung saan isang New People’s Army (NPA) pa ang nasawi matapos maka-engkwentro ng mga tropa ng 15th Infantry Battalion sa Brgy. Caliling, Cauayan, Negros Occidental.


Nauna rito, limang rebeldeng komunista ang nasawi at pitong armas ang narekober sa tatlong engkwentro ng 62nd Infantry Battalion sa magkakahiwalay na lugar sa Brgy. Quintin Remo, Negros Occidental nitong Sabado.

Sa patuloy na pagtugis ng mga tropa, apat pang rebelde ang nasawi, isa ang nahuli, isa ang sumuko, at pito pang armas ang narekober sa naturang barangay kahapon ng umaga.

Facebook Comments