Pitong aktibidad, dadaluhan ni PBBM sa ASEAN Summit ngayong araw sa Cambodia

Sa unang araw pa lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Phnom Penh, Cambodia, ay magiging abala na siya sa kaliwa’t kanang pulong kasama ang mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of South East Asian Nation (ASEAN).

Sinimulan ng pangulo ang kaniyang umaga sa CEO roundtable meeting kasama ang Cambodia Business Leaders.

Haharap din ang pangulo sa Cambodian King, His Excellency Norodom Sihamoni, sa Royal Palace.


Dadalo rin ang pangulo sa ASEAN Leader’s Interface kasama ang mga representative’s ng ASEAN Parliamentary Assembly.

May coffee break din ang Pangulong Marcos kasama ang mga ministers at ASEAN Secretary General, pagkatapos ay dadalo sa ASEAN leaders interface kasama ang representative ng ASEAN youth, mga leaders, ministers at ASEAN Secretary General.

Huling aktibidad ng pangulo ay mamayang alas -4:30 ng hapon sa pagdalo sa ASEAN leaders interface kasama ang mga representatives ng ASEAN Business Advisory Council.

Ang ASEAN Summit ang isa aa pinakamahalagang pulong na dinaluhan ni Pangulong Marcos ngayong taon.

Facebook Comments