Pitong aktibong kaso ng Delta variant ng COVID-19, kasalukuyang mino-monitor ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kasalukuyan nilang mino-monitor ang pitong aktibong kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang pitong aktibong kaso ng Delta variant na kanilang mino-monitor ay mula sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental at sa lungsod ng Maynila.

Aniya, ang mga pitong aktibong kaso ng Delta variant ay kasalukuyang isinailalim sa isolation kung saan agad silang inilagay sa quarantien matapos magpositibo.


Dagdag pa ni Vergeire, karamihan sa mga nagpostibo sa Delta variant ay wala naman nakasalamuha kung saan silang komunidad nagmula.

Sinabi pa ni Vergeire na isasailalim muli sa pagsusuri ang mga nagpositibo bilang bahagi ng protocols habang iginiit niya na hindi ito kaso ng local transmission at sa halip ay pawang local cases lamang.

Nabatid kasi na kailangan pa ng iba pang ebidensiya para masabi o makumpirma ng DOH na ang kaso ng Delta variant sa mga nasabing lugar ay sanhi ng local transmission.

Muli naman ipinaliwanag ng DOH na lumalabas sa pagsusuri at pag-aaral na ang isang indibdwal na “fully vaccinated” ay mas protektado laban sa mga variant ng COVID-19.

Facebook Comments