Pitong Bagong BOD ng PRC Isabela Nanumpa

Cauayan City, Isabela – Nanumpa ang pitong bagong halal na kasapi ng Board of Directors(BOD) ng Philippine Red Cross(PRC) Isabela Chapter sa ginanap na 8th Isabela chapter assembly kamakailan sa Lungsod ng Ilagan.

Ang panunumpa ay ginawa matapos ang pagkakahalal nila sa parehong araw noong Marso 5, 2020. Nauna rito ay siyam ang naghayag ng kanilang kagustuhang maging BOD ng Red Cross Isabela Chapter.

Sila ay sina kasalukuyang Chairman of the Board at Isabela 1st District Congressman Antonio “Tonipet” Albano; Kapwa reelectionist Rogelio Benitez ng Alicia, Isabela; Engineer Erni Baggao ng Ilagan; Negosyante na si Bb Antonnette B. Bassig ng Ilagan; Konsehal Jay Everson Diaz ng Ilagan; BOD Reelectionist Francisco Estavillo; Cauayan City Councilor Garry Galutera; Dating Isabela PDRRMO Edmund A. Guzman at Atty Leonard P. Pua ng Ilagan.


Ang huling dalawang kandidato ay hindi nakarating sa chapter assembly kaya automatikong ang unang pitong nasa listahan ang umupo na bagong tagapanday ng mga regulasyon ng PRC Isabela.

Pinangunahan naman ni PRC BOD at Isabela DILG Provincial Director Engineer Corazon Toribio ang pangangasiwa sa naturang halalan.

Ang pangunahing bisita sa 8th Isabela Chapter Assembly ay si Philippine Red Cross Board of Governor at dating kalihim Corazon Alma G. de Leon.

Sa talumpati ni PRC Board of Governor Corazon Alma de Leon ay kanyang ibinida ang mga ginagawa ng PRC na pagtulong sa mga nangangailangan at iba pang gawain ng naturang organisasyon.

Inianunsiyo din sa naturang pagtitipon ang pagkakaroon ng bagong ambulansiya ng PRC Isabela na kanilang natanggap noong Pebrero 28, 2020.

Ang PRC Isabela Chapter ay kasalukuyang pinamumunuan ni Chapter Administrator Stephany A. Cabrera.

Facebook Comments