Cauayan City, Isabela – Pitong mga barangay ng Cauayan City ang nadeklarang drug free.
Sa pamamagitan ng Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program ng PDEA na pinapangunahan ni Director III Laurefel P Gabales,PDEA Regional Director at Chairperson ng naturang kumite, ang mga pitong mga barangay ay ang Cassap Fuera, De Vera, Casalatan, Catalina, Manaoag, Rogus at Carabatan Grande.
Ang seremonya ng pagkakadeklara ng pagiging drug free ng mga naturang barangay ay ginanap sa FL Dy Coliseum, Cauayan City ganap ng ala una ng hapon ng Setyembre 27, 2017.
Dinaluhan ang naturang okasyon ng mga kasapi ng MADAC, BADAC, Barangay Auxiliary Teams, BPATs, Inter-Faith Organizations, Cauayan City Police Station, LGU-Cauayan at PDEA. Dinaluhan din mismo ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy sa naturang okasyon.
Sa mensaheng ni PDEA Director Gabales ay kanyang hinikayat ang pagpapanatili ng pagiging drug free status ng mga naturang barangay sa pamamagitan ng pagpapababa ng demand sa mga binebentang droga.