Pitong container type classrooms – gagamitin ng mga displaced students ng Dinalupihan, Bataan

Dinalupihan, Bataan – Pitong container-type classrooms ang nakatakdang gamitin ngayon ng mga estudyante sa Barangay Bayan Bayanan, Dinalupihan, Bataan na karamihan ay mga aeta sa pagbubukas ng klase.

Ayon kay Dinalupihan Mayor Gila Garcia, ang naturang classrooms ay air conditioned at magagamit ng mga kindergarten at grades 1 to 6 students.

Ayon pa kay Garcia, itinayo ang mga nasabing classrooms bilang temporary solution dahil idineklarang unsafe ang Bayan Bayanan Elementary School buildings dahil sa naganap na landslide noon pang 2012.


Dahil sa naturang landslide nawalan ng classrooms ang mga estudyante at napilitang magklase sa barangay hall at kumbento.

Samantala, inaasahan ng municipal government na itong taon na ito ay maitatayo na ang mga bagong gusali ng Bayan Bayanan Elementary School kapag na settle na ang legal issues sa pagitan ng DepEd at NCIP sa usaping ancestral domain ng mga Aeta.
DZXL558

Facebook Comments