Ina ng suspek sa malagim na trahedya sa Resorts World Manila, emosyonal na humarap sa media

Manila, Philippines – Emosyonal na humarap sa media ang ina ng suspek sa malagim na trahedya sa Resorts World Manila.

Ayon kay ginang Teodora Carlos, hindi nila matanggap ang sinapit ng kanyang anak na si Jesse Carlos na aniya’y isang mabait na anak.

Kuwento pa ni ginang Carlos, hindi na sila masyadong nagkikita ni Jesse dahil puro casino na lang ang inaatupag nito.


Kasabay nito ay humingi rin ng tawad si Mrs. Carlos sa mga naging biktima ng insidenteng kinasangkutan ng kanyang anak.

Umaasa naman si ginang Carlos na ang pagkamatay ng kanyang anak ay magsilbing aral sa iba pang pamilya na mayroon ding kaanak na nalululong sa sugal.

Nanawagan din ito sa lahat na huwag namang tawaging terorista ang kanyang anak.
DZXL558

Facebook Comments