Pitong gobernador at mahigit 130 alkalde sa Mindanao, tinanggalan ng ilang karapatan ng NAPOLCOM

Manila, Philippines – Inalisan ng kapangyarihan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pitong gobernador at 132 mayor sa Mindanao na hawakan ang pulisya sa kanilang lugar.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio Casurao, nabigo ang mga ito na pigilan ang mga terorista at ang paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Pero giit ni Zia Alonto Adiong, assemblyman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, matagal nang nakikipagtulungan ang mga lokal na opisyal sa gobyerno para mapigil ang ilegal na droga at terorismo sa kanilang lugar.


Aniya, nakitaan rin nila ng mga mali ang listahan na ginawa noon pang Hunyo 8.

Sinabi naman ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na pag-uusapan pa nila ng NAPOLCOM kung paano ipatutupad ang mga probisyon ng kautusan.

Facebook Comments