Inilunsad ngayong araw ng Radio Mindanao Network at RMN Foundation ang “Henry R. Canoy Scholarship Program” sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon Program.
Kasunod na rin ito ng selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa Agosto 28 at ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni RMN Foundation Head Rhoda Navarro na pitong kwalipikadong kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang pipillin para mabigyan ng scholarship sa tulong ng Dualtech Training Center Foundation.
Aniya, layon ng programa na umagapay sa mga kabataan na nais tuparin ang mga pangarap saan mang sulok ng Pilipinas.
Paliwanag naman ni Dualtech Training Center Foundation Incorporated President Arnolfo Morfe, sa pamamagitan ng dual method system na ibinase sa bansang Germany ay sasanayin ang isang mag-aaral para sa kaniyang employement.
Sa mga nais maging scholar at makapag-enrol, magparehistro lamang sa dualtech.org.ph at sa mga nais namang tumulong, mag-message lamang sa RMN Foundation Facebook page.