“Henry R. Canoy Scholarship Program,” inilunsad ngayong araw ng RMN Networks, RMN Foundation at Dualtech Training Center Foundation

Inilunsad ngayong araw ng Radio Mindanao Network at RMN Foundation ang “Henry R. Canoy scholarship program” sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon Program.

Kasunod na rin ito ng selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa Agosto at sa Ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation sa Setyembre.

Layon ng programa na umagapay sa mga kabataan na nais tuparin ang mga pangarap saan mang sulok ng Pilipinas sa tulong ng Dualtech Training Center Foundation.


Sa mga nais maging scholar at makapag-enrol, magparehistro lamang sa dualtech.org.ph at sa mga nais namang tumulong, mag-message lamang sa RMN Foundation Facebook Page.

Ating tuparin at bigyan ng pag-asa ang mga kabataan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap mga Ka-Radyoman!

Facebook Comments