Pitong katao, naaktuhang nag-treasure hunting sa matutum protected landscape, arestado

Sa General Santos, Kalaboso ang pitong katao matapos naaktuhang naghuhukay para umano sa treasure  hunting sa Mt. Matutum, protected landscape sa may Sitio Kyumang, Barangay Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Mga suspek kinilalang sina  Federico Latimbon;  Rex Abellanosa;  Insan Ugal;  Ludi Magallon; Enting Dazon,  Aljun Dela Cruz , at  Wawe Flores.

Alas 11:00  ng umaga ng may natanggap na  report ang polomolok Philippine Nationa Police (PNP) na may nagsasagawa umano ng treasure hunting sa nasabing lugar kaya itoy nirespondihan kaagad ng  operatiba ng PNP;  DENR 12; Menro-Polomolok;  mahintana foundation nga mga opisyal ng barangay na humantong sa pagkaaresto sa mga suspek.


Nakumpiska mula sa  posisyon ng mga suspek ang  mga gamit na ginagamit nila sa paghukay sa nasabing lugar.

Sa ngayon nakakulong na sa lock up cell ng Polomolok Muncipal Police Station ang mga suspek at nakatakda na rin silang sasampahan ng kaukulang kaso ngayong araw.

Facebook Comments