Pitong katao, patay nang salpukin ng trak ang kanilang sasakyan sa Batangas

12
Manila, Philippines – Patay ang pitong katao matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang trak sa bayan ng Santo Thomas, Batangas.
 
Sa ulat, binabagtas ng 10-wheeler aluminum closed-van (ACO-7694) na minamaneho ni Rodolfo Mandac Jr. ang kahabaan ng Pres. Laurel Highway mula sa Manila patungong Tanauan City nang mabangga ang kasalubong na Toyota Vios (TBV-625).
 
Dead-on-the-spot ang limang lulan ng kotse habang namatay naman ang dalawa habang ginagamot sa nasabing ospital.
 
Nakakulong na ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, serious physical injury at damage to property.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments