Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PNP ng pito kataong nagpanggap na pulis at sundalo sa Barangay Emie Punud, Marawi City, Lanao Del Sur.
Ayon kay PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt. Reuben Theodore, sakay ng kulay puting toyota fortuner na may plate nos na “for registration” ang mga suspek ng maaresto ang mga ito.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ariel Cabanes Bejaan, 45 anyos, taga-Pagalungan Cagayan De Oro City; Pacito Sabuclalao Villanueva, 45 anyos; Sumilao Bukidnon, Juniper Adlawan Alestre Sr., 52 anyos, taga-Bagontas; Valencia Bukidnon; Bienvenido Malaza Sepe, 68, ng Poblacion, Cabacan Cotabato City; Florante Ramos Alejandrino, 38 anyos, ng Puerto Bugo, Cagayan De Oro City; Rufina Gomez Guyatao, 53 anyos, ng Bagong Taas, Valencia, Bukidnon; at Elsie Timola Lantong, 48 anyos, ng Sumilao, Bukidnon.
Ang suspek na ito ay nahaharap ngayo sa kasong paglabag sa article 177 o ang usurpation of authority.
Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang uniform at patches ng AFP at PNP, combat boots, iba’t ibang identification cards, kabilang pa ang iba’t ibang identification cards ng Moro National Liberation Front.
Sa ngayon, nakakakulong nasa Marawi Municipal Police Station ang mga naarestong suspek.