Sa pagharap sa mga mamamahayagng tatlong panrehiyong direktor ng mga ahensiyang namamahala sa kalikasan.
Ipinahayag nila na binigyan ng palugit ng Environmental Management Bureau ang pitong lokal na pamahalaan sa Rehiyon Dos upang hindi sila makasuhan sa Office of the Ombudsman kaugnay pa rin sa hindi naaayon na pagtatayo ng kanilang sanitary landfills.
Sa regular na ugnayan ng mga lokalna media sa Tipon Tipan sa PIA Region 2 ay naging panauhin sina Direktor Cezar Siador ng Environmental Management Bureau, Direktor Mario Ancheta ng Mines andGeosciences Bureau at Direktor Gil Aromin ng Department of Environment and Natural Resources. Ang kanilang pagharap sa lokal na media ay may kaugnayan sa buwan ngHunyo bilang Buwan ng Kalikasan o Environment Month.
May kaugnayan sa mga sanitary landfills na itinayo ng maraming LGU’s bilang mandato ng Republic Act 9003 ang Ecological Solid Waste Management Law ay ibinalita ni Regional Director Cezar Siador na napagsabihan ang mga tukoy LGU’s na kailangan nilang iangatang pamantayan sa operasyon at pagmamantine ng kani kanilang sanitary landfill batay sa atas ng batas. Kung hindi tatalima ang mga ito ay posibleng ituloyang nauna nang banta na pagsasampa ng kaso laban sa kanila sa Office of the Ombudsman.
Lumabas kasi sa nakalipas napagsusuri na maraming mga sanitary landfills ang hindi umaayon ang pagkakagawasa mga itinakdang pamantayan ng Ecological Solid Waste Management Law.
Tinukoy sa naturang pulong balitaanng PIA ang mga sumusunod na mga LGU’s na nabigyan ng palugit:
1. Tugugarao City, Cagayan
2. Ilagan City, Isabela
3. Cauayan City, Isabela
4. Santiago City, Isabela
5. Cabagan, Isabela
6. Tumauini, Isabela
7. Bambang, Nueva Viscaya
Sa ngayon ay ginagabayan ng Environmental Management Bureau ang mga naturang LGU’s upang mai akma angkanilang sanitary landfills sa itinatakda ng batas.