Nagpositibo sa COVID-19 ang pitong manlalaro ng Women’s National Basketball Association (WNBA) kasunod ng isinagawang test noong ika-28 ng Hunyo hanggang ika-5 ng Hulyo.
Ayon sa pamunuan ng WNBA, ang paglabas ng resulta ng test ay kasabay ng pagkarating ng aabot sa labing-dalawang (12) koponan ng WNBA, sa I.M.G Academy sa Bradenton, Florida kung saan gaganapin ang pagbabalik-laro.
Dahil dito, isasailalim sa self-isolation ang mga nagpositibo hanggang gumaling at payagan nang makapaglaro ng mga doktor.
Nakatakda sana ang laro ng WNBA nitong ika-15 ng Mayo hanggang ika-20 ng Septyembre pero ini-usog sa Hulyo dahil sa COVID-19 pandemic.
Facebook Comments