Kusang-loob na sumuko sa tropa ng 60th Infantry (Mediator) Battalion ang pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa Kapalong, Davao del Norte.
Ayon kay Captain Mark Anthony Tito, spokesperson ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, pawang mga miyembro ng Guerilla Front 3 ng Sub Regional Committee 4 ng Southern Mindanao Regional Committee ang mga sumukong rebelde.
Kabilang sa pito ang dalawang menor de edad na sumailalim na ngayon sa proper disposition ng Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Kapalong.
Isinuko rin nila ang apat na high-powered firearms.
Dumadaan na ang mga rebelde sa custodial debriefing bilang bahagi ng Enhanced Local Integration Program (E-CLIP).
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ang militar sa Philippine National Police (PNP) para sa pagsasampa ng reklamo laban sa Guerilla Front 3 dahil sa recruitment ng mga menor de edad.