
Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pitong pangalan ng bagyo noong 2025.
Ang pangalan ng mga bagyo na hindi gagamitin ng PAGASA ay Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino, at Uwan.
Ayon sa PAGASA, nagdesisyon silang huwag nang gamitin ang naturang mga pangalan dahil sa lawak ng pinsala na idinulot ng naturang bagyo sa mga tao, ari-arian at kapaligiran.
Partikular dito ang bagyo na naging sanhi ng kamatayan ng may halos 300 katao at nakasira nang nasa P1 bilyong halaga ng ari-arian.
Ang mga inalis na pangalan ng bagyo ay papalitan naman ng mga pangalan na
Chico, Elias, Magyawan, Nilas, Omar, Tala, at Upa mula taong 2029.
Facebook Comments










