Pitong pantalan sa Bohol, nakumpleto at pakikinabangan na ng publiko

Nakumpleto na ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Port Authority (PPA) ang pagpapalawig, rehabilisasyon at modernisasyon sa pitong pantalan sa Bohol Ports.

Kinabibilangan ito ng Maribojoc, Tagbilaran, Jagna, Ubay, Tapal, Loon at Talibon.

Layon ng programa na ihanda ang probinsiya sa magandang kinabukasan na mag-uugnay hindi lamang sa Visayas region kundi sa nalalabing lugar sa Mindanao at mainland Luzon.


Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, naging matagumpay ang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Inaasahang makapagbibigay ng maraming trabaho at turista ang pagkukumpuni at pagtatayo ng mga pantalan upang makabawi ang maraming nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Facebook Comments