Publiko, pinaalalahanan ng PCG na dalhin ang QR code at vaccination cards sa kanilang pagbakasyon sa mga probinsiya

Muling pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero na luluwas sa kani-kanilang probinsiya na ingatan ang kanilang mga dala-dalang QR code at vaccination cards at i-check ang mga ordinansa ng iba’t ibang Local Government Unit (LGU).

Hinikayat ng PCG ang publiko na alamin kung ano ang mga kasalukuyang patakaran sa mga probinsiyang kanilang pupuntahan dahil sa iba’t ibang mga patakaran na ipinaiiral ng LGU.

Maaari din makipag-ugnayan ang mga pasahero sa PCG sa pamamagitan ng official Facebook page o kaya sa Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa kanilang mga inquiries, concerns at clarifications tungkol sa protocols sa paglalakbay ngayong Undas 2021.


Kaugnay nito, nagpakalat na rin ng mga tauhan ang PCG upang mag-monitor sa sitwasyon ng mga pasaherong luluwas sa kani-kanilang mga probinsiya para gunitain ang Undas.

Facebook Comments