Pitong pasaherong nagkaroon ng contact sa Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 UK variant, patuloy na pinaghahanap

Patuloy na pinaghahanap ang pitong pasahero ng Emirates Flight EK 332 kung saan kapwa nila pasahero ang Pilipinong nagpositibo sa UK-variant na COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa pito mula sa 214 na natukoy na contacts ng Pinoy patient ang hindi pa rin mahagilap.

Mula sa 214 close contacts ng infected patient, anim sa kanila ay household members, 49 ay health staff at 159 ay iba pang pasahero.


Paglilinaw ni Vergeire, na hindi kasama ang United Arab Emirates sa travel restrictions noon pero ang lahat ng mga pasahero ay kailangang sumailalim sa usual protocol kapag darating sa bansa.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga Local Government Units (LGUs) ng mga pasahero para ilagay sila sa quarantine.

Nilinaw rin ng DOH na walang additional strains ng COVID-19 ang na-detect sa bansa.

Facebook Comments