Pitong Pulis sa Rehiyon Dos, Ginawaran ng Medalya!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Ginawaran ng Police Regional Office 2 ang pitong kapulisan sa rehiyon dos dahil sa kanilang Kadakilaan at Kagalingan ngayong ika pito ng Mayo taong kasalukuyan.

Ito ay pinangunahan nina Chairperson Atty. Grace Bennet Acorda ng Regional Apellate Board at National Police Commission RO2 bilang gueast speaker sa naturang seremonya at ni PSSUPT Domingo Lucas, Regional Chief Directorial Staff ng PRO2.

Malugod namang tinanggap ang Medalya ng Kadakilaan nina SPO2 Roylan Barcena at SPO1 Severino Russel Respicio ng PNP Gamu, at ng Provincial Intelligence Branch, Isabela PPO.


Iginawad naman ang medalya ng Kagalingan kina PCInsp. Lord Wilson Adorio ng PNP Ramon, Isabela PPO, PSInsp. Arnel Acain at PO3 Jerico Teaṅo ng PNP Camalaniugan, Cagayan PPO at sina PCInsp. Villegas Claveria at PO2 Warner Talon ng PNP Bambang, Nueva Viscaya PPO.

Samantala, binigyang diin pa at ipinapanawagan ni Atty. Acorda ang tungkulin ng Crime Laboratory Examination and Reports sa mga kapulisan maging ang tungkulin ng Regional Appellate Board sa pamamahala sa mga naitatalang insidente.

Facebook Comments