Pitong PUV drivers na nagpositibo sa drug test, kakanselahin na ng LTFRB

Sa Region 7, kakanselahin na ng Land Transportation Office ang lisensiya ng pitong drayber ng mga Public Utility Vehicle (PUV) na nagpositibo sa  drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ayun kay LTO -7 Regional Director  Victor Caindec  Maliban sa pagkansela ng kanilang lisensiya, hindi na rin sila puwedeng makakakuha ng panibagong lisensiya  habambuhay at sasampahan ng din ng kaukulang reklamo.

Ipinaliwanag ni Caindec na sa ilalim ng anti-drug and drugged driving act ang parusa  para sa isang nagmamay-ari ng professional driver`s license ay pagkansela sa kaniyang lisensiya at perpetual disqualification  sa pagmamaneho.


Pito sa Isang daan pitumput apat na PUV drivers ang nagpositibo sa drug test ng PDEA  sa tatlong terminal sa Cebu noong nakaraang linggo.

Facebook Comments