Pitong residente ng Cainta, Rizal, nagpositibo sa rapid testing

49

Kinumpirma ng Cainta, Rizal Government na pito ang nagpositibo sa isinagawang rapid testing sa Sangguniang Bayan Personnel.

Ayon kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto, mistulang malas yata ang numerong ‘7’ dahil ngayon din ang ika-7 taon niya bilang Alkalde.


Sabi pa ni Nieto, sumailalim na rin sa swabbing ang pitong nagpositibo at isang confirmatory test nalang ay malalaman na kung sila ay positibo sa COVID-19.

Sumailalim na rin sa 14 day quarantine ang mga taong nakahalubilo ng 7 SB personnel habang nagpapatuloy ang kanilang contact tracing at rapid testing sa mga kaanak nito.

Dahil dito, ipinasara muna nila ang buong 3rd floor ng munisipyo kung saan naroon ang Vice Mayor’s office at Councilor’s office para ma-sanitize ang buong building ng munisipyo.

Facebook Comments