Tatay, pinatay sa sakal ang kambal na anak bago tumalon sa tulay

1882

Pinatay muna umano ng isang lalaki ang kambal niyang anak, 12-anyos, bago kitilin ang sariling buhay sa pagtalon sa tulay sa Italy, noong Hunyo 27.

Lumalabas na pinatay sa sakal ni Mario Bressi ang mga anak niyang sina Elena at Diego sa isang apartment na pinagbakasyunan nila, ayon sa ulat ng Corriere Della Sera.


Bago mangyari ang trahedya, nag-post pa ang 45-anyos na tatay sa Instagram ng litrato nilang mag-aama na may caption na “always together”.

Ayon sa ulat, nag-message din si Bressi sa ina ng mga bata na si Daniela Fumagalli para magbabala na hindi niya na muling makikita ang kambal.

Napag-alaman na nasa proseso ng hiwalayan si Bressi at Fumagalli.



Dali-dali namang pumunta ang ina sa apartment kung saan nadatnan niya ang dalawang anak na wala ng buhay.


Lumabas sa pagsusuri na namatay ang kambal sa suffocation at pananakal na ginawa umano ng tatay nang nakatulog na ang mga bata.


Sa mga nakararanas ng depresyon o anumang isyung emosyonal at sikolohikal, huwag mag-alinlangang tumawag sa mga sumusunod na Hopeline hotlines:

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments